Mga Tips at Tricks sa Pakikipanayam Para sa Pagsasaayos ng Katayuan Base sa Isang Kasal (Taong 2020) ng USCIS

Congratulations po sa inyo dahil nakaskedyul ka na para sa USCIS Green Card Interview. Maaring ito ay mahaba o maikling proseso na sumubok sa pasensya at sa relasyon ninyo.
Ang Green Card na panayam, kung batay sa kasal, ay nakatuon sa bisa at lakas ng kasal. Ang mga dokumento na mgsusuporta sa relasyon ay ang mga halimbawa:
- Mga larawan simula nang kayo ay ngkakilala
- Listahan ng mga komuniskasyon (Facebook, Email, at iba pa)
- Pinagsamang Dokumento ng Buwis
- Pinagsamang Renta na Dokumento
- Pinagsamang Dokumento ng Militar
- Mga Patunay na Mgsakama sa mga Bakasyon/Biyahe (petsa sa mga konsyerto, mga laro sa baseball, o iba pang tiket sa pagpapanuod ng mga isports.
Sa panahon ng panayam, lahat ng mga bagay ay susuriin para mapatunayan ang relasyon .
Isa-isahin natin ang panayam at ang mga kaganapan doon sa USCIS Field Office (lalung-lalo na sa USCIS Durham/USCIS Raleigh):
Ang Abiso sa Pakikipanayam
Siguraduhing nakatago ang abiso na dokumentong ito at huwag itapon. Ang abiso sa pakikipanayam ay ngsasaad kung kailan at saan ang panayam at ito ang gagamitin at iprepresenta para makapasok sa USCIS na gusali. Nakasulat din ang mga listahan ng mga dokumento na dapat dalhin sa abiso na ito.
Pagdating
Ang pag-check -in sa USCIS office ay dapat maganap sa tamang oras. Kaya, huwag mahuli sa oras. Sa USCIS Durham, makaka-check-in ka sa oras na naka-iskedyul ka. Ang ilang mga tanggapan ng USCIS ay maaring mgpapasok nga mga tao 15 minutos bago ang nakatakdang oras na nakasulat sa abiso. Subukang makarating nang maaga, o 30 minuto bago ang iskedyul ninyo.
Pag-Check-in
Sa pag-check-in, kailangan mo ipakita ang naangkop na identipikasyon at ang abiso sa pakikipanayam. Kukunan ang immigrante ng larawan at ang mga indeks ng mga daliri ay e.scan din. Ang prosesong ito ay maaring tumagal ng halos isang minuto. Pgkatapos ay bibigyan ka ng isang tiket na may sulat at numero.
Panahon ng Paghihintay
Doon sa silidhintayin kayo mghihintay, hanggang sa tatawagin ang numero mo. Ang pghihintay ay maaraing saanman sa pagitan ng 5 minuto hanggang 2 oras, depende sa oras at araw na nakatakda ang panayam ninyo.
Ang Iyong Numero/Ticket ay Tinawag at Nakikita mo ang Opisyales ng Imigrasyon
Ang opisyales ng imigrasyon na nakatalaga sa pakikipanayam sa inyo ang tatawag sa numero mo. Dadalhin kayo sa isa sa kanilang tanggapan o silid. Doon, kayo mgsusumpa at pgkatapos nito, sisimulan na ang pakikipanayam sa inyo. Tandaan, huwag matakot at ipakita mo lang ang tunay na sarili mo.
Pagkakakilanlan
Upang mapatunayan ang pagkakakilanlan, hihilingan ng opisyal ang mga sumusunod na orihinal na dokumento:
- Licensya sa sa pagmamaneho (kung mayroon man)
- Pasaporte, Visa, at tala ng pagpasok bilang isang imgrante
- Sertipiko ng kapanganakan ng lahat na kasali
- Isang Sertipiko ng Pag-aasawa/Pagpapakasal
- Lahat ng mga Diborsyong Dokumento (kung mayroon man)
- Talaan ng kriminal (kung mayroon man)
Pagtatatag ng Bona Fide na Kasalan – Pagtatanong Ukol sa Relasyon
Para sa isang petisyon na nakabase sa kasal, dapat maging handa ang mag-asawa at alam ang lahat tungkol sa isat-isa. Karamihan sa mga katanungan sa panayam na nakabatay sa kasal ay ang mga sumusunod:
- Paano kayo ngkakilala?
- Saan kayo ngpunta sa unang pgkita or date ninyo?
- Sino ang ngproposed?
- Nakilala mo na ba ang pamilya ng bawat isa?
- Saan ka nakatira?
- Sino ang unang gumising sa umaga?
- Ano ang ginagawa ng asawa mo sa trabaho?
- Sino ang ngluluto?
- Anong oras umuwi ang asawa mo galing trabaho?
- Sino ang humahawak sa pinansyal? Ngbabayad ng mga bills?
- Ilang kotse mero siya?
- Anu-ano ang mga pangalan ng mga biyenan at bayaw niya?
- Ano ang panggitnang pangalan ng asawa mo?
- Maaring hilingin ng opisyal na pgtugmain o ipakita ang mga susi ng sasakyan.
- Maaring tanungin ng opisyal ang tungkol sa mga kwento nakapalibot sa mga larawan na ipadala ninyo.
- Maaring tanungin din ng opisyal ang tungkol sa mga testigo sa kasal.
Pagsusuri sa mga Porma – Pagtatanong sa Talambuhay
Titingnan ng opisyal ang lahat ng mga impormasyon na nakasulat sa I-130 at I-485 at linyang-linya niya itong susuriin ng maayos.
I-485 – Pagtatanong para sa Kwalipikasyon
Mgtatanong ang opisyal ng maraming mga tanong na nakabase sa I-485 na porma at doon tutukuyin ang pangkalahatang at ang pagiging karapat-dapat upang makatanggap ng Green Card.
Kung mayroon man kayong mga pag-alinlangan, paniguraduhin na makipag-usap o makipag-ugnayan sa isang lokal at rehistradong abogado sa imigrasyon, o maari kayong tumawag sa Fickey Martinez Law Firm, P.L.L.C sa numerong (910) 526-0066.
Pagtatatwa: Ang Blog na ito ay magagamit ng abugado o publisher ng law firm para sa mga layuning pang-edukasyon pati na rin upang bigyan ka ng pangkalahatang impormasyon at isang pangkalahatang pag-unawa sa batas, hindi magbigay ng tiyak na ligal na payo. Sa pamamagitan ng paggamit ng blog site na ito nauunawaan mo na walang ugnayan sa abugado-kliyente sa pagitan mo at ng publisher ng Blog / Web Site. Ang Blog ay hindi dapat gamitin bilang isang kapalit para sa karampatang ligal na payo mula sa isang lisensyadong propesyonal na abugado sa iyong estado.









